-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Surigao Del Norte si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para mabigyan ng interventions ang mga kabataan sa Socorro na naging kasapi na ng Socorro Bayanihan Services.
Sinabi ng kalihim na kaniyang nakausap na sina Governor Robert Lyndon Barbers at Socorro Mayor Riza Rafonselle Timcang ukol sa nasabing usapin.
Base sa kanilang inisyal na assesment na nakitaan nila ang malaking pangangailangan ng mga kabataan doon ng tulong nila.
Magugunitang iniulat ng mga residente sa lugar na may ilanng kabataan ang sapilitang ikinakasal at pinagtatrabaho bilang miyembro umano ng grupo.