-- Advertisements --

Itinaas ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang red alert status sa pagpapatuloy ng kanilang monitoring at pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Batanes.

Sinabi ni DSWD spokesperson Aireen Dumlao na kasalukuyang namimigay ng tulong ang kanilang field office sa mga biktima,

Ilang mga relief good mula sa ibang lugar tulad ng Nueva Vizcaya ay ginamit bilang augmentation sa supplies na ipinapamahagi naman sa Basco at Itbayat.

Naghanda na rin ang national office ng food packs na ipapadala sa mga apektadong lugar sa Batanes.

Ayon kay Dumlao, nakatakdang bumisita sa mga lugar na apektado ng serye ng mga lindol sa Batanes sina DSWD Secretary Rolando Bautista at iba pang Cabinet secretaries.