-- Advertisements --

Walang patid ang Department of Social Welfare and Development sa pagsasagawa ng pag-update sa mga impormasyon ng 4Ps beneficiaries sa Metro Manila.

Ito ay bahagi ng mga aktibidad ng ahensya para sa First 1,000 Days Program o mas kilala sa tawag na F1KD sa pamamagitan ng paggamit ng i-Registro.

Nagsagawa ng aktibidad ang DSWD-NCR National Household Targeting Section sa lungsod ng Makati ngayong araw.

Katuwang ng DSWD-NCR National Household Targeting Section ang PhilSys Registration para sa updating at Beneficiary Data Management ng 4Ps sa National Capital Region.

Maliban dito ay nagsagawa rin ang ahensya ng information caravan .

Namahagi rin ang ahensya ang Information and Education, and Communication (IEC) material sa mga benepisyaryo ng programa.