-- Advertisements --

Ipinahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nagpapatuloy ang pag-aaral ng ahensya upang gawing mas epektibo ang Walang Gutom 2027 Program (WGP) para sa mga pamilyang kulang sa pagkain. Ito ay kasunod ng resulta ng isang  survey na nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng nagugutom sa mga benepisyaryo ng nasabing programa.

Sa kasalukuyan, mahigit 300,000 food-poor families ang tumatanggap ng P3,000 food credits buwan-buwan na maaaring gamitin sa mga aprubadong tindahan.

Tinitignan rin ng kagawaran ang posibilidad ng pagtaas sa food credits upang higit na mapabuti ang benefits ng programa. Target din nila na mapalawak ang bilang ng benepisyaryo sa 750,000 pagsapit ng 2027.

Kasabay nito, malapit nang simulan ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo para sa mga benepisyaryo, katuwang ang Department of Agriculture (DA), alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang dapat maiwang sektor, lalo na ang mga higit na nangangailangan.