-- Advertisements --

Mahigit 10 million sa 18 million target beneficiaries ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang nahatiran na ng tulong mula sa pamahalaan.

Base sa datos na kanilang inilabas sa technical working group meeting ng House Defeat COVID-109 Committee, sinabi ng DSWD na 10,135,634 target beneficiaries ng SAP ang naabutan na ng cash assistance hanggang noong Abril 30.

Nangangahulugan ito na P53.8 billion mula sa P100 billion budget sa unang tranche ng SAP ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, bibigyan ang mga target beneficiaries ng SAP ng tig-P5,000 hanggang P8,000 dipende sa minimum daily wage rate sa bawat rehiyon.