Binabantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sitwasyon ng mga komunidad na apektado sa pananalasa ng bagyong Kiyapo, lalo na sa Northern Luzon.
Unang itinaas ng DSWD-Disaster Response Command Center (DRCC) ng blue alert status, kasunod ng pagpasok ng bagyong Kiyapo.
Nangangahulugan itong 24/7 na babantayan ng ahensiya ang mga sitwasyon sa lugar na inaasahang pangunahing maaapektuhan sa pananalasa ng bagong bagyo; at koordinasyon sa national agencies, local government units, at field offices.
Sa ilalim ng naturang alerto, tinitiyak ang maagap at maayos na pagtugon sa mga lugar na apektado ng sama ng panahon.
Kasabay nito ay nasa heightened alert ang lahat ng DSWD Field Offices para sa agarang mobilisasyon ng Quick Response Teams (QRTs), at activated na rin ang Camp Coordination and Camp Management (CCCM) operations.
Bago ang pagpasok ng bagyo, inihanda na ang Food and Non-Food Items (FNFIs), at na dating nakapreposisyon sa mga istratehikong lugar.
Pinapatiyak din ng ahensiya sa mga regional office nito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang para sa proteksyon ng mga Internally Displaced Persons (IDPs), lalo na kung may kailangang ilikas.
















