Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno na kanila ng ibinigay sa mga regional police directors sa buong bansa ang listahan ng ng mga opisyal ng pamahalaan kabilang sa kanilang drug watch list.

Sinabi ni Sueno na ito ay batay sa napagkasunduan sa isinagawang regional peace and order council meetings.

Pahayag ng kalihim na kanila ng ipinauubaya sa PNP ang magsagawa ng validation sa nasabing listahan.

Giit ni Sueno na ang regional intelligence group ng PNP may alam kung sinu-sinuo sa mga barangay officials ang sangkot sa illegal drug trade.

Pabor din si Sueno na magiging involved ang mga opisyal ng local na pamahalaan sa kampanya kontra droga.

May direktiba na rin siyang inilabas para sa mga local government officials na timetable kung saan dapat sa darating na buwan ng Hunyo bababa sa 20 percent ang drug affection sa kanilang mga lugar.