-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang drug pusher sa anti-illegal drugs operation sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Randy Rodriquez Montaño, 45, isang construction worker at residente ng Purok Everlasting, Barangay Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial director Colonel Henry Villar na nagsagawa ng drug buybust operation ang mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit-12 at ng Matalam MPS malapit sa tahanan ng suspek

Ngunit natunugan daw ni Montaño na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Napilitan ang mga pulis na barilin ang suspek kaya nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Naisugod pa sa Midway Hospital si Montaño ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa suspek ang ilang pakete ng shabu, buybust money, drug paraphernalia, mga bala at isang .22 cal. revolver.

Nabatid na ang dati nang sumuko sa pamahalaan ang suspek sa pamamagitan ng Oplan “Toktokhangyo” at nakalaya pero itinuloy pa rin nito ang kanyang iligal na gawain.