NAGA CITY- Patay ang suspek sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na kinilala ang suspek na si Arellano “Zander/Tisoy” Ramento na isang notorious drug pusher sa nasabing lugar.

Bandang 4:30 ng hapon ng isagawa ang buys bust operation sa nasabing lugar kung saan napansin ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputokan ang pulis.

Ngunit naunahan ito ng operating team na naging daan ng kanyang kamatayan.

Samantala nakuha naman sa nasabing suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, calibre 38 na revolver at dalawang caliber 9mm.