GENERAL SANTOS CITY – Winasak ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 12 ang drug den sa isang bayan ng South Cotabato at nahuli din ang drug den maintainer.

Ayon kay Kat Abad, spokesperson ng PDEA 12 na isinagawa ang drug bust operisyon sa pamamahay ng nagpangalang Jimboy Yanan 36 residente ng Purok Milagrosa, Poblacion, Tampakan South Cotabato na nagresulta sa pagkahuli ng suspek na si Reynaldo Bocio 28, welder na residente ng lugar.

Nakuha mula sa suspek ang 10 gramu ng medium sachet ng pinagdudahang shabu na may market value na P68,000. .

Hindi inakala ng PDEA na may nag pot session sa loob ng bahay kayat kanila ding hinuli ang mga suspek na sina George Yanan 18 anyos, Binay Yanan 46 anyos babae, Ace Puli 19 anyos at Paterno Pacaonsis 33 driver pawang mga residente ng lugar.

Posisyon sa Illegal na druga ang haharapin ni Bocio habang drug den maintainer sa may-ari ng bahay at visiting drug den naman ang apat sa nahuling suspek.