CENTRAL MINDANAO- Nahuli ng mga otoridad ang isang drug dealer sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Elmer Frias, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy Ginatilan Pikit North Cotabato.

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Kidapawan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) ang suspek sa tahanan nito.

Narekober ng mga otoridad ang maraming pakete ng shabu at drug paraphernalia sa bahay ni Frias.

Nagpasalamat naman ang pulisya at PDEA-12 sa mga kapitbahay ng suspek na nagbigay sa kanila ng impormasyon sa ilegal na gawain ng suspek.

Nakatakdang sampahan si Frias ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.