-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang lalaki sa pamamaril kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jolan Carumba Navarro na residente ng Barangay Lepaga M’lang Cotabato.

Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na binabaybay ng biktima ang national highway sa Barangay Buayan sa bayan ng M’lang sakay ng kanyang minamanehong topdown na motorsiklo.

Pagsapit ni Navarro sa lugar na walang tao at malayo sa kabahayan ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon sa bayan ng M’lang.

-- Advertisement --

Binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at leeg.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa pamamaril patay sa biktima.