-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pansamantala na pinakawalan ng pulisya ang driver ng Mitshubishi Strada na mayroong plate no. KAA 4376 na nasa likod pagkasawi ng tatlong katao sa Purok 1, Upper Sagadan,Baroy,Lanao del Norte.

Ito ay kahit nagtala nang pagkamatay ng mga bitkima na sina Rionel Paler ,Ashley Lumosad at John Abbey Micutuan na lahat residente sa probinsya dahil lagpas na sa reglementary period o oras pagka-detine ang driver na si Joseph de Padua Miyas na wala pang naihain na kaukulang mga kaso sa piskalya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Baroy Police Station commander Maj Alexander Lawan na bagamat nangako ang magulang ng ni Joseph na kapwa konektado sa Department of Education na sasagutin ang anumang obligasyon pinansyal subalit hinihintay pa rin nila ang pagdulog ng mga kapamilya ng mga biktima para sa anumang posibleng plano ukol sa pangyayari.

Inihayag ni Lawan na papupuntahin nito ang kanyang traffic investigator sa mga pamilya nang namatayan upang tukuyin kung intresado pa ba ang mga ito na maghahain ng kaso laban sa suspek.

Magugunitang nawalan ng preno ang sasakyan kaya bumangga sa poste ng koryente bago tuluyang nahagip ang mga biktima.

Ligtas na rin lahat ang mga sugatan na anim pang mga biktima matapos naisugod sa pagamutan ng Lanao de Norte habang ang iilan ay inilipat naman sa Ozamiz City Hospital ng Misamis Occidental.