(Update) Nagpaabot nang kanyang labis na kalungkutan si Health Sec. Francisco Duque III nang makarating ang balita sa panibagong doktor na naman ang namatay sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Ayon sa kalihim kaibigan pa naman daw niya ang binawian ng buhay na si Dra. Salvacion “Sally” V. Rodriguez-Gatchalian na pumanaw kaninang umaga sa Manila Doctor’s Hospital.
Nilinaw ngayon ng Philippine Medical Association (PMA) na si Gatchalian ang ika-siyam na doktor na nasa frontline na casualties sa pagharap ng bansa sa global pandemic problem na coronavirus.
Si Dra. Gatchalian ay ang current president ng Philippine Pediatric Society, Inc. at kapatid ng TV host-actress na si Ruby Rodriguez.
Sa kanyang tweeter message nagbalik tanaw ang TV personality sa masasayang panahon noong buhay pa ang kanyang ate.
“I love you so much my big sister❤️❤️❤️ smile say hi to Mom Dad and manong robert. Be at peace do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!
Samantala, patuloy naman ngayon ang pagbuhos ng pakikidalamhati sa medical community lalo na ang labis na panghihinayang sa pagkabawas na naman sa magagaling na doktor na siyang nag-aalaga at gumagamot sa mga kababayang kinapitan ng deadly virus.
Narito ang iba pang mga doktor na sumakabilang buhay dahil sa deadly virus:
-Dr. Raul Diaz Jara, cardiologist and internist, Philippine Heart Center
-Dr. Israel Bactol, cardiologistof, Philippine Heart Center
-Dr. Gregorio Macasaet III, anesthesiologist, Manila Doctors Hospital
-Dr. Rose Pulido, oncologist, San Juan de Dios Hospital
-Dr. Henry Fernandez, Pangasinan Medical Society
-Dr. Marcelo Jauchico, provincial health officer of Pampanga
-Dr. Raquel Seva, obstetrician-gynecologist Evangelista Specialty Hospital, Laguna
-Dr. Hector Alvarez, Novaliches District Hospital
Sa huling datos ng DOH nasa 33 na ang total deaths sa Pilipinas habang umaabot naman sa 636 ang mga kaso ng COVID-19.