DAVAO CITY – Nagpasalamat si Dr. Leopoldo Vega, chief of hospital ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).

Inihayag ni Vega na walang mapaglagyan ang kanyang kasiyahan at ikinokonsedera nito bilang malaking karangalan ang ibinigay na pagkakataon sa kanya ng pangulo.

Hindi umano sasayangin ni Vega ang pagtitiwala na ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte at gagawin ang abot ng kanyang makakaya para sa kampanya ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

Samantala, hindi pa makumpirma ni Dr Vega kung sino ang papalit sa kanya bilang chief of hospital, pero batay sa protocol ng organisasyon, ang susunod na magiging OIC ay ang chief of clinics na si Dr. Ricardo Audan.