Ipinahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagkadismaya sa mga hindi pa rin natatapos na infrastructure project sa dalawang bayan ng probinsya.
Sa inspeksyong ginawa, nabahala si Dizon nang makita ang Maasin at Asinan bridges sa Pilar, na sinimulan noong 2021 at idineklarang tapos noong 2022, ngunit halatang hindi pa kumpleto.
Disappointed din ang kalihim nang matuklasan na ang flood control project sa Barangay Tuburan, Del Carmen ay nasa 35% pa lang ang aktuwal na progreso kahit iniulat na 95% na umano ang completion rate.
Inatasan niya ang mga opisyal na pabilisin ang pagtatapos ng mga proyekto at iniutos din ang imbestigasyon sa dahilan ng delay at sa contractor na umano’y konektado kay Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Bingo” Matugas.
Ang inspeksiyon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suriin ang lagay ng mga infrastructure project sa buong bansa. (REPORT BY BOMBO JAI)
















