Roxas City – Nagsagawa ng surprise inspection sa Roxas City Airport si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Napag-alaman na pupunta sana sa Kalibo, Aklan ang naturang opisyal ngunit nagdesisyon na lamang ito na bumisita sa lungsod upang tingnan ang naturang paliparan.

Agad naman itong inabangan nina City Mayor Ronnie Dadivas, Pueblo De Panay Inc. CEO Jose Neri Ong, at Roxas Airport Manager II Cynthia Aspera.

Sa kanyang side trip, si Secretary Tugade kasama si Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) Director General Jim Sydiongco at iba pang DOTr officials ang naglibot-libot sa mga pasilidad sa nasabing paliparan.

Maliban dito kasama rini nito si DOTr Usec. for Finance Garry De Guzman, Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Raul Del Rosario, DOTr Chief of Staff and Asec. for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez, DOTr Asec for Aviation and Airport Jim Melo, at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.

Nabatid na nagsagawa ang mga opisyal ng proposed site acquisition para sa expansion ng paliparan at pag-aspalto ng runway shoulders at strip grade correction.

Magugunitang ang initial phase ng Roxas Airport Development project ang natapos noong taong tuig 2019.