KALIBO, Aklan—Hinimok ng Department of Tourism (DOT) Region VI ang mga tourism operators na ikonsidera ang ilang bagay sa paghahanda sa mas pinahusay na tourism package bilang diskarte upang muling ma-simulan ang lokal na turismo sa gitna ng pandemya dala ng COVID-19.

Inihayag ng ahensya na dapat munang bigyan ng pansin ng mga tourism operators ang paglalatag ng tourism package sa kung ano ang pwedeng mai-alok sa mga turista gayundin ang kanilang magiging aktibidad sa lugar na kanilang pupuntahan.

Dagdag pa nito na dapat rin umanong maging akma ang mga aktibidad sa pangangailangan gaya ng wellness, nature-based at memorable travels para sa mga bisita.