Nilinaw ng Department of Tourism (DoT) na hindi nila inaapura ang pagbabalik ng turismo sa bansa, sa harap ng umiiral pa ring COVID-19 pandemic.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Tourism Usec. Benito Bengzon na maingat sila sa pagbubukas ng mga lugar bilang pasyalan, dahil kinokonsulta rin maging ang mga lokal na pamahalaan at maging ang iba pang ahensya ng gobyerno.
“Ang gusto nating gawin is to “slowly but surely” na mai-open natin itong mga tourism destinations. But katuwang naman nating yung mga LGU, dahil sila ang higit na nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang mga lugar,” wika ni Bengzon.
Pangunahing layunin nito na maibangon ang ekonomiya at makapaghanap buhay muli ang mga nasa sektor ng turismo.
Ilan sa mga lugar na bubuksan sa local tourist ang Baguio City, Boracay at Bohol.
Habang pinag-aaralan na rin ang iba pang bahagi ng ating bansa kung kakayanin na ring tumanggap ng mga bisita.