-- Advertisements --
Nakalabas na sa pagamutan ang komedyanteng si Donita Nose, matapos ang ilang linggong pakikipaglaban nito sa COVID-19.
Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video habang papalabas na sa ospital.
Makikita rin sa video ang pagpalakpakan ng mga nurses at health workers sa nasabing pagamutan.
Pinasalamatan din nito ang mga fans at kasamahan sa industrya na nagdasal para sa kaniyang agarang paggaling.
Maguguntang ilang linggong nanatili ang komedyante sa pagamutan matapos na dapuan ng coronavirus.