-- Advertisements --

Bahagyang bumubuti na ang kalagayan ng komedyanteng si Donita Nose matapos dapuan ng coronavirus.

Sa kaniyang social media, nagbigay ito ng update ng kaniyang kalagayan.

Sinabi nito na nagiging normal na ang kaniyang paghinga at baka sa mga susunod na araw ay makakalabas na ito sa pagamutan.

Pinayuhan pa rin ito ng kaniyang doctor na kailangan muna niyang mag-quarantine ng 14-araw pagkalabas sa pagamutan.

Nagpasalamat ito sa dahil hindi umabot s punto na kailangan niyang gumamit ng life support.

Nagpasalamat ito sa mga fans at kapwa artista na nagdasal sa agarang paggaling nito.