-- Advertisements --

Hindi pa rin kinaya ng Los Angeles Clippers ang all-around game ni Luka Doncic upang masungkit ang Game 1 ng first-round playoff series, 113-102.

Tumipon si Doncic ng 31 points upang talunin ang NBA’s leading team sa 3-point range sa harap ng mga LA fans.

Ito ay sa kabila na pagsapit ng fourth quarter ay isang puntos na lamang ang nagawa ni Luka.

Halos naghahabol na lamang din ang ginawa ng Clippers sa matinding opensa ng Mavs na pinagtulungan din nina Tim Hardaway Jr. na nagbuslo ng 21 points at si Dorian Finney-Smith ay meron ding 18.

Hindi rin umubra ang mga LA superstars na sina Kawhi Leonard na nagpasok ng 26 points at 10 rebounds at si Paul George na nagtapos sa 23 points. Inalat pa ang dalawa dahil sa tatlo lamang ang naipasok mula sa 14 na pagtatangka sa 3-point areas.

Para naman kina Leonard at George, gaganti sila sa Game 2 na gagawin muli sa Staples Center.