BUTUAN CITY – Nanawagan ang isang anak sa pwedeng makatulong upang mapa-uwi ang bangkay ng kanyang ina na isang household worker sa Kuwait na namatay matapos ang iilang araw na dineklarang brain dead.
Ayon kay Glaiza Rozal Amor, galing sa Las Nieves, Agusan Del Norte, sinabihan na lamang sila na kaibigan ng kanyang mama na nagtatrabaho rin sa relative ng amo nito, na natagpuan sa loob ng comfort room ang kanyang ina na wala nang malay dahilan sa pagtawag ng ambulansiya.
Ang sunod na impormasyon na kanilang natanggap ay ang agarang emergency operation dahil sa nakitang dugo sa ulo hanggang ito ay na-brain dead na at bandang alas 3:00 ng umaga oras sa Pilipinas, namatay na ang kaniyang ina.
Kasama sa kanilang pinaghihinalaan na inatake ng highblood ang kaniyang ina ang giyera sa Middle East dahil rinig na rinig umano ang mga putukan at bombahan sa nasabing bansa.
Ito rin ang dahilan na hindi na sila mag-request ng autopsy sa bangkay.
Napag-alamang matatapos sana ang kontrata sa kaniyang ina ngayong Abril 14 ta malapit na sana itong umuwi.















