BUTUAN CITY – Umabot sa 15 mga sabungero ang nasugatan at dinala sa ospital habang 23 iba pa ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI-Caraga) matapos ang isinagawang raid sa sabungan sa Brgy. Doña Rosario, bayan ng Tubay, Agusan del Norte kahapon (Lunes) ng alas-tres ng hapon.
Batay sa salaysay ng isang saksi na nakilalang si alyas Jay, kabilang sa mga nasugatan ang kanyang tiyuhin na nabalian at muling dinala sa ospital kanina dahil sumakit muli ang kanyang ribs.
Inihayag ni alyas Jay na nasa labas lamang siya habang nagaganap ang raid at nakita niya ang gulo nang magtakbuhan ang mga sabungero palabas ng sabungan, dahilan ng pagkasugat at pagtamo ng bali sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng iilan sa mga sabungero.
Ayon pa sa kanya, ang dahilan ng raid kahit may permit ang sabungan ay ang pagsasagawa ng “talpak” o online betting kung saan may aktwal na sabong ng mga manok ngunit ang pagtaya ay idinadaan sa makina o machine betting, na ilegal at matagal nang ipinagbabawal sa bansa.
















