-- Advertisements --

Nananatiling naka-antabay ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng mga pangunahing pantalan sa bansa upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan para sa mga pasaherong humahabol sa pag-uwi matapos ang mahabang bakasyon ng Semana Santa.

Bagama’t pormal nang nagtapos ang Holy Week, tuloy-tuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad ngayong araw.

Ayon sa PCG, inaasahan pa rin nila ang dagsa ng mga biyaherong pabalik na sa kanilang mga trabaho at tahanan mula sa mga lalawigan para sa post-holiday rush.

Base sa pinakahuling datos na inilabas ng kawanihan, pumalo sa 408,000 na inbound at outbound passengers ang naitala sa iba’t ibang pantalan sa buong Pilipinas kahapon, na kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday.

Bilang bahagi ng paghahanda sa malaking bulto ng mga manlalakbay, una nang isinailalim sa heightened alert ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG sa buong bansa.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kawanihan sa iba’t ibang ahensya upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa mga terminal at ligtas na paglalayag ng mga barko n.