Muling pinatunayan ni LeBron James ang kaniyang walang kapantay na husay sa larangan ng basketball matapos niyang basagin ang record para sa pinakamaraming larong nalaro sa regular season sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA)
Naabot ng 41-anyos na superstar ang kanyang ika-1,612 sa panalo ng Los Angeles Lakers kontra Orlando Magic, kung saan nalampasan ni James ang dating rekord na 1,611 laro na hawak ni Robert Parish mula pa noong 1997.
Muntikan pang masawapan ng pagkatalo ang makasaysayang gabi ni James nang manguna ang Orlando, 104-102 na may natitirang tatlong segundong sa laro.
Ngunit nagwagi ang Lakers sa pamamagitan ng clutch na three-pointer ni Luke Kennard sa huling segundo ng laro. Dahil dito, umangat ang Lakers sa rekord na 46-25 at lalo pang pinatatag ang kanilang kapit sa ikatlong puwesto sa Western Conference.
Bagamat hindi siya ang nanguna sa scoring, nag-ambag si James ng 12 puntos, 6 rebounds, at 4 assists sa makasaysayang laro.
Pinangunahan naman ni Luka Dončić ang Lakers sa kanyang 33 puntos, habang si Austin Reaves ay nagdagdag ng 26 puntos.
Samantala, Para kay James, ang pagtatala ng bagong rekord ay bunga ng kanyang dedikasyon na manatiling malaks para sa kanyang koponan sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Dagdag pa niya, ang pinakamahalagang ambag ng isang manlalaro ay ang pagiging maaasahan sa bawat laro, isang prinsipyong kanyang pinanghawakan sa loob ng kanyang 23 season sa liga.
Bukod sa rekord na ito, hawak na rin ni James ang iba pang mahahalagang marka sa NBA, kabilang ang pinakamaraming puntos, field goals made, at field goals attempted sa kasaysayan ng liga.
















