Babandera ang mga NBA All-Stars na sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks at Chris Paul ng Phoenix Suns sa mga magpapakita ng kanilang talento sa 2021 Skills Challenge sa darating na Marso 7 (Marso 8 sa Pilipinas) sa State Farm Arena sa Atlanta.

Gaganapin ang Skills Challenge bago ang 2021 NBA All-Star Game.

Kasama nina Doncic at Paul sina New York Knicks forward Julius Randle, Indiana Pacers forward Domantas Sabonis at Orlando Magic center Nikola Vucevic.

Tampok din sa kompetisyon si Portland Trail Blazers forward Robert Covington.

Ang Skills Challenge ay isang obstacle-course competition na sumusuri sa kakayanan ng mga players sa pag-dribble, pagpapasa ng bola, maging sa agility at 3-point shooting skills.

-- Advertisement --