Nanganganib matanggal ang Los Angeles Lakers sa unang elimination round ng 2025 playoffs matapos matapos muling duminahin ng Minnesota ang Game 4 ng naturang serye, 116 – 113.
Pinangunahan muli ni Anthony Edwards ang Wolves at kumamada siya ng 43 points, siyam na rebounds at anim na assists sa loob ng 44 mins na paglalaro.
Nasayang ang panibagong duminanteng performance ng Lakers superstar na sina Lebron James at Luka Doncic matapos hindi mapigilan ang 4th quarters scoring spree ng Minnesota. Kumamada si Doncic ng 38 points habang 27 points, 12 rebounds, at walong assists ang ipinoste ni Lebron.
Hawak kasi ng Lakers ang 10-point lead sa pagtatapos ng 3rd quarter, 94 – 84 sa tulong na rin ng episyenteng 3rd quarter scoring run ng naturang koponan.
Gayunpaman, hinabol ito ng Wolves sa huling quarter at ipinoste ang 32 – 19 run sa kabuuan ng 12 mins. Sa 32 points na naipasok ng Wolves sa huling quarter, 16 dito ang nagawa ni Edwards, kasama ang dalawang huling free throw sa huling 11 seconds ng laro, 116 – 113.
Pinilit pa ng Lakers na itabla sa 116 ang score, sampung segundo bago matapos ang laban ngunit hindi nakapasok ang 3-point jump shot ni Lakers guard Austin Reaves.
Isa sa naging taktika ng Lakers ay ang ibabad ang limang pinaka-episyenteng player nito na sina Lebron, Doncic, Rui Hachimura, Reaves, at Dorian Finey-Smith sa kabuuan ng 2nd half.
Ang naturang team ang unang team mula noong 1998 na gumamit sa naturang taktika. Gayonpaman, hindi pa rin ito nagtagumpay dahil sa clutch performance ng Wolves.
Dahil sa panibagong panalo, isang panalo na lamang ang kailangan ng Minnesota upang umusad sa Western Conference semifinals at iparanas sa Lakers ang gentleman’s sweep.
Kung tuluyang uusad, makakalaban ng Wolves ang mananalo sa pagitan ng Golden State Warriors at Houston Rockets na kasalukuyang nasa 2-1, pabor sa GS.