-- Advertisements --
Tinalo ng Mexican boxer na si Alexandro Santiago ang ating kababayan na si Nonito Donaire Jr. via unanimous decision (115-113 / 116-112 2x) sa kanilang paghaharap ngayong araw sa Las Vegas, Nevada.
Nagsilbing undercard ang Donaire – Santiago bout para sa laban ng unbeaten Americans na sina Errol Spence at Terence Crawford.
Maliban sa kabiguan para sa hangad na panalo, tinarget din sana ni Filipino Flash na basagin ang record na “oldest bantamweight champion” sa edad na 40 para sa naturang laban.
Para sa ilang boxing analyst, panahon na para magretiro si Donaire.
Ngunit wala pang pahayag hinggil dito ang kampo ng Pinoy boxer.