-- Advertisements --

Kabuuang 171 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang matatanggap ng Pilipins ngayong taon, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni Dominguez na ang 171 million doses ng COVID-19 vaccines na ito ay higit pa sa sapat para mabakunahan ang kabuuan ng adult population sa bansa.

Sinabi rin nito na P45 billion ang nakatabi sa ilalim ng 2022 proposed national budget para sa karagdagang supply ng mga bakuna sa susunod na taon.

Hanggang noong Hulyo 18, aabot na sa 15 million doses ang naituturok na COVID-19 vaccines sa bansa.

Kabuuang 10,388,188 indibidwal ang nabakunahan ng first dose, habang 4,708,073 naman ang fully vaccinated na laban sa sakit.

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 million katao laban sa COVID-19 sa mga susunod na buwan.