-- Advertisements --

Nakatakdang idaan sa pamamagitan ng air lift ang isasagawang relief operations ng pamahalaan para makapaghatid ng tulong sa mga residenteng apektado ng pananalasa ng bagyong Emong.

Sa isang panayam, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Spokesperson Asec. Diego Mariano na magiging hamon para sa kanilang tanggapan ang paghahatid ng mga relief goods sa ilang bahagi ng Ilocos Region na siyang isa sa pinakanapinsala ng naturang bagyo.

Ilang mga kalsada at pangunahing lansangan kasi ang hindi pa rin madaanan sa ngayon bunsod sa malawakang pagbaha sa rehiyon at ilang bahagi na mayroong gumuhong lupa.

Sa kasalukyan naman, batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nasa higit sa 4.6 milyong indibidwal na o higit sa 1.3 milyong pamilya ang kabuuang apektado ng Bagyong Crising (Wipha), Dante, Emong at maging ng habagat.