-- Advertisements --
DOTr Sec. Arthur Tugade

Maaari na raw magbalik operasyon ang domestic flights palabas at papunta ng mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Kinumpirma ito ni Transportation Sec. Arthur Tugade matapos ilabas ng Inter-Agency Task Force at National Task Force ang utos na pumapayag sa domestic commercial travels ng GCQ areas.

Kaugnay nito, nilinaw ng kalihim na dapat may “go signal” sa local government units ang pagpayag sa operasyon ng domestic flights.

Ayon naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) director general Capt. Jim G. Sydiongco, maaari nang makipag-ugnayan ang airline companies sa mga paliparan hinggil sa kanilang pagbabalik himpapawid.

Kabilang sa mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng GCQ ngayon ay ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, Albay at Davao City.

“Regular commercial air travel had been previously suspended in areas covered by the enhanced community quarantine (ECQ) and the modified enhanced community quarantine (MECQ) to help stop the spread of COVID-19.”