-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Domeng na nananatili sa loob ng philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 980 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 85 kph, habang may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Maliban dito, nagdadala rin ng ulan sa Northern at Central Luzon ang umiiral na hanging habagat.