CAUAYAN CITY- Tiniyak ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabibigyan ng tulong ang mga manggagawa na apektado ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at sa ibang lugar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III na malaki nanamang problema ang pagpapatupad ng GCQ sa National Capital Region (NCR) at ibang lugar dahil marami na namang empleyado ang maaapektuhan.
Gayunman ay handa namang tumulong ang DOLE sa pamamagitan ng kanilang mga programa na TUPAD, CAMP at AKAP.
Aniya, makakatanggap ang bawat empliyado na apektado ng P5,000.00 .
Sa ngayon ay tinitignan pa nila kung ilan ang apektado dahil kasisimula pa lamang ang pagpapatupad ng GCQ sa mga naturang lugar.
Umaasa naman siya na pagkatapos ng dalawang linggo ay makakabangon muli ang mga apektadong negosyo.