-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na dapat tanggapin nila ang mga empleyado kahit na hindi ito nagpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, pinirmahan na niya ang Labor Advisory No. 3 na naglalayon ang mga empleyado na ayaw o hindi nabakunahan ay hindi dapat makatanggap ng diskriminasyon at ito ay may karapatan pa rin sa tamang pasahod, promosyon, at ibang mga benepisyo.

Ipinagigiitan ng kalihim na hindi dapat ipatupad ang tinatawag na “No Vaccine, No Work policy”.

Pinakiusapan ng kalihim ang mga employers na hikayatin nila ang kanilang empleyado na magpabakuna.