-- Advertisements --

Iminungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na maaring ipatupad nila ang “Work From Home” scheme para hindi na tumaas pa ang bilang ng hawaan ng COVID-19.

Base kasi sa datus ng DOLE na mayroong 37,434 ang bilang ng mga nagsasagawa ng ‘work-from-home’ noon pang 2020.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na dapat intindihin ng mga employers na mas malaki ang tsansa ng hawaan kung ang empleyado nila ay babiyahe pa patungo sa trabaho.

Hindi naman sang-ayon dito ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Luis Ortiz dahil hindi lahat ng uri ng trabaho ay puwedeng gawin sa loob ng bahay.