-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Justice (DOJ) na ‘wala nang nag-ooperate na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa, bilang bahagi ng pagpapatupad ng total ban nito at maski lahat ng POGO activities.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, dahil sa mas mahigpit na crackdown, naisara na ang 80 porsyento ng mga POGO hubs sa loob lamang ng isang buwan matapos ang opisyal na deadline.

Bagamat huminto na ang opisyal na operasyon, tiniyak ng DOJ na patuloy ang pagmamanman sa mga posibleng ilegal na POGO activity upang maiwasan ang anumang hindi awtorisadong operasyon.

Ang pagsasara ng POGO hubs ay bahagi ng polisiya ng gobyerno na naglalayong protektahan ang mga komunidad, bawasan ang transnational at nontraditional crimes, at tugunan ang mga isyu sa seguridad at ekonomiya na kaugnay ng industriya ng POGO.

Tiniyak pa ni Vida na nalinis na ang mga lugar na dati’y pinagtataguan ng POGO operations, nangangahulugang epektibo nang nagtapos ang operasyon nito nationwide.

Iginiit din ng DOJ na kikilos sila laban sa ilan pang ulat ng ilegal na POGO activity, bilang pagpapatibay sa zero-tolerance stance ng gobyerno.