-- Advertisements --
Department of Justice

Pinayuhan ngayon ng Department of Justice (DoJ) ang mga kritiko ng Anti Terror Act (ATA) of 2020 na basahin at intindihin muna ang naturang batas maging ang implementing rules and regulations (IRR) nito.

Ito ang naging payo ng DoJ sa mga hindi pa naman nakakabasa ng buo sa Anti Terror Act of 2020 maging ng IRR nito pero nagpapahayag na ng pog-kontra.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DoJ Usec. Adrian Sugay ang tagapagsalita ng anti terrorism council, may mga specific issues daw na gustong tugunan ang naturang batas na hindi labis maintindihan ng iba.

Aniya, pangunahing isyu na nais tugunan ng naturang bago at kontrobersiyal na batas ang isyu ng terorismo sa bansa lalo na’t mayroon nang mga nakakalusot na terorista sa bansa.

Siniguro ng DoJ na hindi raw maabuso ang naturang batas dahil mayroon namang safeguards ang naturang batas.

Maliban dito, mas malinaw daw sa binalangkas na IRR ang mga nakapaloob sa batas gaya na lamang ng tinutuligsang warrantless arrest.