IMG 20191105 121142 1

Submitted for resolution na ang mga kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga pulis na isinasangkot sa maanomalyang drug raid sa Pampanga noong 2013.

Sa ika-limang preliminary investigation ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors, naghain na rin sa DoJ ng kanilang rejoinder ang mga pulis at iba pang respondents sa reklamo.

Bukod sa ilang ninja cops ay present din si Police Major Rodney Baloyo na sinasabing team leader sa isinagawang raid sa Mexico, Pampanga.

IMG 20191105 115538

Maging si dating PNP Chief Albayalde ay present para i-affirm o panumpaan ang kanyang rejoinder-affidavit.

IMG 20191105 110328

Aabot sa 13 pulis ang inireklamo ng PNP-CIDG dahil sa kontrobersyal na drug operation.


Nahaharap sila sa paglabag sa
Sections 27, 29 32 at 92 o Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Qualified bribery, Falsification of Public Documents at Deriliction of Duty.

At sa listahan, isinama na sa mga respondent si Albayalde na inireklamo rin para sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Nauna nang sinabi ng PNP-CIDG na kabilang sa kanilang mga ebidensiya ang naging resulta ng imbestigasyon ng Senado nitong Oktubre.

Naungkat ang isyu ng ninja cops sa pagdinig ng Senado sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Sinasabing sa isinagawang raid sa Pampanga noong 2013, nasa 200 kilo ang nasabat na shabu pero 38 kilo lang ang isinurender ng mga ninja cops para sa imbentaryo.