Muling pinaalalahanan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang mga public servants na maging matuwid sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
Ginawa ng kalihim ang panawagan kasunod ng paghahain nito ng robbery charges sa Regional Trial Court (RTC) Caloocan laban kay PSSG Andro Manangan y Centeno at legal gambling charges laban kina Manangan , PCPT Jun-jun Silvertino y Avila at PSMS Jonathan Aggalao y Guyang.
Batay sa datos noong Hunyo 24 ng kasalukuyang taon, si Manangan na miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas habang nakaduty sa Amparo Police Sub Station, Caloocan Central Police Station, labag sa batas itong humingi ng P30,000.00 mula sa isang kapatid na babae ng isang akusado bilang kapalit para sa pagpapalaya rito na inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Acts of 2002.
Matapos ang ulat na natanggap ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group, nagsagawa ito ng entrapment operation laban sa respondent na naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto.
Sinubukan pa nitong tumakas matapos na makatunog sa naturang oeprasyon ngunit naaresto ito sa kalapit na condominium sa lugar.
Nadiskubre rin ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group ang dalawa pang pulis sa kanilang istasyon na nagsusugal.
Pinaniniwalaang si Manangan ay nagsusugal rin kasama ang kanyang kabaro.
Nakakulong ngayon si Manangan sa Camp Crame, Quezon City para sa kasong robbery at illegal gambling.
Inirekomenda naman ng prosecutors ang d Php100,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.