Nagpaalala ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice sa publiko hinggil sa pagbebenta ng lamang loob.
Sa isang online post, nagbigay babala ang naturang kagawaran sa panganib na kaakibat ng ganitong uri ng ilegal na gawain.
Kung saan pinag-iingat ang taumbayan na mahulog sa patibong ng panlilinlang, pagpilit o pang-aabuso para ibenta ang kanilang lamang loob o tinatawag din bilang ‘organ trafficking trap’.
Bagama’t mistulang mabilis na solusyon sa simula dahil sa alok na pera, kapalit naman anila nito ang seryosong panganib sa kalusugan.
At maari pang humantong sa pagkawala ng buhay ng isang indibidwal kumagat sa mapanlilang alok na agaran pera.
Kaya nama’y maigting paalala ng DOJ at IACAT sa publiko na huwag patulan ang ganitong imbitasyon sapagkat hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera ang kaligtasan ng mabibiktima.
Bagkus hinimok na iulat at isumbong ito sa kanilang ‘1343 Actionline against Human Trafficking’ sakaling makatagpo ng ganitong uri ng kaso.
















