-- Advertisements --

Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na hangad nila ang isang ‘mapayapang’ pagsasagawa ng kilos-protesta ng iba’t ibang mga grupo bukas.

Ayon sa kasalukuyang kalihim na si Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, umaasa siyang magiging maayos ang pagdaraos nito.

Inaasahan kasi bukas ang paglahok at pakikiisa ng mga indibidwal at samahan sa kanilang paghahayag ng saloobin kontra korapsyon sa Luneta Park, Maynila, EDSA Shrine at iba pa.

Kung saan aminado ang kalihim na ang isyu ng korapsyon pagdating sa usapin ng flood control projects ay siyang nakaalarma na aniya.

Kaya’t ibinahagi pa ni Justice Secretary Remulla na kanyang kinausap na ang Philippine National Police pati ang National Bureau of Investigation upang mapanatili ang kaayusan bukas.

Nakipag-ugnayan siya sa mga ito para masegurong magiging maayos at walang magtangka para lamang manggulo sa naturang mga pagtitipon.

Layon din aniya rito na matiyak ang seguridad at lalo na ang kaligtasan ng mga lalahok sa iba’t ibang mga programang nakatakdang isagawa bukas.