Wala pang naitatala ang Department of Health (DOH) na anumang side effects na naranasan ang naturukan ng 30,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine.
Ang naturang mga bakuna ay gawa ng Gamaleya ng Russia, na una nang dumating sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 50,000 doses pa ng naturang bakuna ang nakatakdang dumating sa Pilipinas bukas.
Ipapamahagi ang mga ito sa tatlong “highly populous” areas na nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng COVID-19 infections.
Ang pagdating ng karagdgaang 50,000 doses ang siyang ikatlo nang delivery ng Sputnik V doses na dumating sa Pilipinas.
Ang unang batch na 15,000 doses ay dumating noong Mayo 1, habang ang ikalawang batch naman ay dumating noong Mayo 12.
Nabatid na target ng Pilipinas na bumili ng kabuuang 20 million doses ng Sputnik V.