-- Advertisements --

Umabot lang sa 934 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang iniulat ng Department of Health (DOH) para sa araw ng Biyernes, December 4, 2020. Kaya naman umakyat pa sa 436,345 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus sa bansa.

Ito na ang pinakamababang naireport na numero ng mga bagong COVID-19 cases mula noong July 14, kung saan 603 new cases ang iniulat sa loob ng isang araw.

Ayon sa DOH, 11 laboratoryo ang hindi nakapagpasa ng kanilang mga datos kahapon, December 3.

SAP residents COVID COVID

“11 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 3, 2020.”

Ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na nasa 75. Sinundan ng Laguna na may 59; at Baguio City, Bulacan, at Davao City na pare-parehong may tig-34 na mga bagong kaso ng sakit.

Nasa 28,379 pa ang mga active cases o nagpapagaling. Nadagdagan naman ng 148 ang total recoveries kaya umakyat pa ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa 399,457.

Habang 63 ang additional sa total deaths, na ngayon ay 8,509 na.

“2 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 were recovered cases. Moreover, 14 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”