-- Advertisements --
Matapos ang higit isang buwan nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng higit 300 bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.
Batay sa pinaka-bagong case bulletin ng DOH, pumalo na sa 14,669 ang total na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Bunsod ito ng 350 na bagong naitalang tinamaan ng sakit.
Sa data ng Health department, noong April 3 huling nakapagtala ng higit 300 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas sa loob ng isang araw kung saan pumalo noon sa 385.
Samantala, ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,412 na dahil sa 89 na bagong gumaling.
Habang ang numero ng mga namatay ay nasa 886, bunsod ng 13 new deaths.