-- Advertisements --

Huwag na umanong ipagtaka ang posibleng biglang paglobo ng data ng Department of Health (DoH) sa susunod na linggo.

Sa record na ito ay kasama ang mga infected, nasawi, posibleng nahawa at iba pa.

Ayon kay special assistant to the Health secretary Dr. Beverly Ho, inaasahan nilang makakahabol na ang ahensya sa backlogs ng data encoding.

“Ginagawan natin ito ng paraan para by Monday, we will have all these data encoded and we will have a more accurate picture of our cases,” wika ni Ho.

Nabatid na may dalawang pangunahing basehan ng impormasyon ang DoH para sa COVID-19 monitoring.

Kinabibilangan ito ng laboratory information system at personal na deklarasyon ng pasyente.

Ang lab info sytem ay naglalaman ng resulta mula sa mga pagsusuri, habang ang ikalawa ay mula sa case investigation forms, kabilang na ang travel history at uri ng trabaho ng mga pasyente.

Ang mga iyon umano ang ginagamit sa contact tracing, para maagapan ang iba pang posibleng naging lantad sa mga infected ng coronavirus.