-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Department of Health ang dumaraming reklamong natatanggap sa hotline ng One Hospital Command Center.

Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega na walang call forwarding feature ang nasabing hotline para ito ay sagutin ng 30 agents.

Mula kasi noong maging aktibo ang hotline ay tumaas ang bilang ng mga natatanggap nilang tawag kung saan dati ay 70 calls lamang ay ngayon ay 388 calls na ang natatanggap kada araw.

Ang One Hospital Command Center ay siyang healthcare referral network na tumutulong sa mga COVID-19 patients para sila ay madala sa pagamutan, quarantine facilities at medical transportation.