Ibinabala ng Department of Health (DOH) ang panganib ng baha bunsod ng nararanasang mabibigat na pag-ulan sa bansa dala ng habagat at nagdaang bagyong Crising.
Ayon sa ahensiya, bukod sa pagkalunod at aksidente, mapanganib ang mikrobyo mula sa mga basura at dumi mula sa tubig-baha na maaaring magdulot ng sakit na leptospirosis lalo na sa mga bata.
Maaari aniyang magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang indibidwal na mapapasukan ang katawan ng mikrobyong leptospira.
Kayat payo ng DOH, sakaling malubog sa baha o hindi maiwasang lumusong sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon, agad ding komonsulta sa doktor kung lumusong nang may sugat o kung nakakaranas ng sintomas ng sakit gaya ng lagnat at pananakit ng katawan.
Bukas naman ang Telekonsulta hotline 1555 at pintudin lamang ang 2 para sa mabilis na konsultasyon.