Nasa halos 28,000 na ang total ng confirmed COVID-19 cases sa bansa, batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).

Sa case bulletin ng ahensya para sa araw na ‘to, June 18, may nadagdag na 562 new confirmed cases ng COVID-19. Kaya naman pumalo na ang total sa 27,799.

Mula sa mga bagong kaso, 481 ang fresh cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

May 81 namang late cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ng DOH.

Ang recoveries naman ay nasa 7,090 na dahil sa 270 na bagong gumaling.

Samantalag ang death toll ay nasa 1,116 dahil naman siyam na bagong namatay.