-- Advertisements --

Muling sumirit sa higit 2,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, aabot sa 2,053 ang numero ng nadagdag sa total tally na umaabot naman na sa 375,180.

Hindi pa kasali sa report ang datos ng 11 laboratoryo na bigong makapag-submit ng mga numero kahapon.

Ayon sa DOH, mula sa 24,970 na bilang ng mga tinest as of 12:00PM nitong Martes, nasa 1,673 ang nag-test positive. Katumbas daw nito ang positivity rate na 6.7% para sa petsang October 27.

Samantala ang bilang ng mga nagpapagaling ay nasa 38,955 pa. Ang total recoveries naman ay nasa 329,111 na dahil sa nadagdag na 540 na gumaling.

Habang ang total deaths ay sumirit pa sa 7,114 matapos madagdagan ng 61 patay.

Nagtanggal daw ang Health department ng 17 duplicates sa total case count. Ang 14 sa mga ito ay galing sa hanay ng recoveries.

May 17 rin na iba pang recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na sila ay patay na.